Kailan Kaya

11/19/2009

 
Kailan kaya ako makakaidlip ng payapa 
     ng walang luhang dumadaloy sa aking pisngi?
     ng walang mga buntong hiningang nagkakalma sa aking sarili?

Kailan kaya muling masisilayan ang pagsikat at paglubog ng araw 
     ng walang halong takot o ano mang pakundali?
     na muling mahawakan ang iyong kamay, mahagkan ang iyong mga labi?

Kailan kaya
Kailan kaya
Kailan kaya 

     ako mabubuong muli?


Comments are closed.